MALL rats itong sina Luis Manzano at Jessy Mendiola dahil sa malls sila madalas na nakikita ng publiko. 

Una silang namataan sa Shangri-La Edsa, nakita rin sa Greenbelt at nitong huli, sa isang mall pa rin.

Pero hindi nag-shopping sina Luis at Jessy sa huli nilang pagmu-malling, nanood sila ng Conjuring 2 at dahil mga sikat, mabilis nakilala ng tao. May mga nagpa-picture pa nga sa dalawa and in fairness, parehong nakangiti ang “dating couple” at hindi naimbyerna sa mga nagpa-picture sa kanila.

Inaabangan na kung saan namang ibang mall muling makikita sina Luis at Jessy na kung hindi pa on, exclusively dating na, at kinumpirma na ngang magkasintahan sa report ni Katotong Jimi Escala kahapon. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hayaan na sana sila ng mga nagagalit na fans nina Luis at Angel Locsin. (NITZ MIRALLES)