SAN JOSE, Tarlac City - Pinaghahanap ngayon ng mga pulis ang isang 35-anyos na lalaki matapos dukutin ng 14 na armado sa Barangay San Jose, Tarlac City.

Hindi matiyak ng awtoridad kung may atraso si Eduardo Canlas, ng Block 7, Bgy. San Jose, na maaaring dahilan ng pagdukot dito.

Napag-alaman kay PO2 Julius Apolonio na dakong 3:00 ng hapon nitong Martes at nakikipagkuwentuhan si Canlas sa ilang kaibigan sa bahay nang biglang dumating ang mga lalaking nakasuot ng bonnet at armado ng matataas na kalibre ng baril at puwersahang isinakay sa isang sasakyan. (Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog