CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang barangay chairman at anim na iba pa ang naaresto ng Daraga Municipal Police sa isang operasyon kontra ilegal na sugal sa Barangay Sipi, Daraga, Albay nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang mga naaresto na sina Wilfredo Nayve y Nacion, 47, chairman ng Bgy. Market Site, Daraga; Nap Cardel y Abion, 53, chairman ng Bgy. Binanuahan, Legazpi City; Margie Barcelon y Guades, ng Bgy. Sagpon, Daraga; Elvie Mapagdalita y Manzanillo, 44, ng Bgy. Bagumbayan, Daraga.

Nadakip din sina Micheal Millena y Aguilar, 39, ng Bgy. Tagas, Daraga; Edgar Manzano, 18, ng Bgy. 16, Legazpi City; Vick Galicia y Alejandro, 50, ng Bgy. 4 Sagpon, Legazpi City; at Noel Repolles y Soria, 39, ng Bgy. Sagpon, Daraga, Albay.

Sinabi ni Calubaquib na ang mga naaresto ay sangt umano sa ilegal na sugal na tinatawag na “Poker” sa Maranaw Restobar na nasa Bgy. Sipi sa Daraga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska mula sa mga suspek ang itinayang pera na nagkakahalaga ng P271,942.75 at iba pang paraphernalia.

(Niño N. Luces)