UNITED NATIONS, United States (AFP) – Sisimulan ng UN Security Council sa Hulyo 21 ang una sa inaasahang maraming round ng lihim na “straw poll” voting para piliin ang susunod na secretary-general na mamumuno sa world body.

Sinabi ni French Ambassador Francois Delattre, may hawak ng council presidency, na itinakda niya ang petsa sa liham na ipinadala sa pangulo ng General Assembly nitong Miyerkules.

Inaasahang magpapasya ang 15-member council sa Oktubre sa isang nominado na ipiprisinta sa General Assembly para iendorso bilang kapalit ni Ban Ki-moon sa Enero 1.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo