CAPAS, Tarlac - Isang ama ang nasa likod ngayon ng malamig na rehas matapos niyang gulpihin ang sarili niyang asawa at anak na dalagita sa Barangay Dolores, Capas, Tarlac.

Kinasuhan ng paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children) at RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) si William Pineda, 30, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Jonalyn Tomas, dakong 10:00 ng umaga nitong Huwebes nang humingi ng permiso ang 27-anyos na maybahay ni Pineda para dalawin ang mga magulang.

Nagalit ang noon ay lasing na suspek at inakusahan ang misis na may kalaguyo hanggang sa bugbugin ang ginang.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tinangka naman ng 11-anyos nilang anak na babae na magsumbong sa mga opisyal ng barangay ngunit sinunggaban siya ng suspek at binugbog din. (Leandro Alborote)