Kinasuhan ng Office of the Ombudsman si Mayor James Joyce ng Jose Abad Santos, Davao del Sur Oriental ng paglabag sa Article 282 (Grave Threats) at Article 266 (Slight Physical Injuries) ng Revised Penal Code (RPC).

Nag-ugat ang kaso sa away kalsada noong Oktubre 2014 sa Barangay Caburan Small sa Jose Abad Santos nang pagbantaang papatayin ang isang Brown Tan Camacho, Sr.

Sa ilalim ng RPC, ang grave threats ay nagagawa ng isang tao na nagbanta o gumawa ng masama sa kanyang kapwa.

(Jun Fabon)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae