SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Patay agad ang isang 40-anyos na umano’y drug pusher makaraang pagbabarilin siya ng hindi kilalang lalaki habang sakay sa kanyang motorsiklo kaangkas ang kapatid sa Gapan-Olongapo Road sa Purok 4, Barangay Malapit sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Nestor Reyes, residente sa nasabing lugar, na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 4:50 ng umaga at angkas ni Reyes sa minamanehong motorsiklo ang kapatid na si Lorenzo Reyes patungong Gapan City nang bigla silang makarinig ng putok ng baril.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang pamamaril dahil ang biktima ay nasa watch list ng pulisya, sa drug trade category. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog