MIAMI (AFP)— Ang gunman na pumatay sa singer na si Christina Grimmie, dating contestant ng sikat na TV show na “The Voice,” ay bumiyahe pa patungong Orlando, Florida, para lamang atakihin ang biktima, ayon sa pulisya.

Armado ng dalawang baril, Granada at isang kutsilyo, pinagbabaril ng suspek, kinilala bilang Kevin James Loibl, ang 22 taong gulang na singer sa Plaza Live Theater nitong Biyernes ng gabi sa meet and greet ng huli sa kanyang mga tagahanga.

Si Grimmie, na nagtanghal kasama ang grupong “Before You Exit”, ay isinugod sa Orlando Regional Medical Center, ngunit namatay din ito sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

“The suspect traveled to Orlando, apparently, to commit this crime, and then had plans to travel back to where he came from,” pahayag ni Police Chief John Mina sa mga mamamahayag.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“Her brother Marcus is a hero and possibly saved countless other lives,” pahayag ng Orlando Police Department sa isang kalatas.