Eula

“MASUWERTE ako na right after ng drama series naming Princess In The Palace ay napalitan ito ng comedy series na Calle Siete at ako pa rin ang kinuha ng APT Entertainment para makasama sa cast,” kuwento ni Eula Valdez sa bago niyang role bilang si Sheila, isang OFW na bumalik sa bansa.  

Natawa siya nang biruin na baka exclusive contract star na siya ng production.

“Hindi ko nga in-expect na magkakaroon agad ako ng trabaho kaya salamat.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Masaya rin si Eula dahil na-impose na iyong cut-off nila sa trabaho. Anong oras ang cut-off niya sa taping?

“One AM ang cut-off ko pero kapag may aberya sa set, willing naman akong mag-extend ng oras. Naiintindihan ko iyon na malaking halaga sa production ang mawawala kung hindi namin matatapos ang trabaho. Pero masaya na rin ako para sa ibang mga tao na maaga rin silang nakakauwi, iyon naman ang mahalaga.”

Sa Princess In The Palace, kasama ang boyfriend niyang si Rocky Salumbides, pero na ngayon na okey lang kay Eula dahil baka may mang-intriga na naman na package deal sila. Wala pa ba silang balak magpakasal ni Rocky?

“Wala kaming plano, okey naman ang relasyon namin, baka kapag nagpakasal kami saka naman magkaproblema. Pero si Rocky, gusto niyang mag-asawa, ako ang hindi pwede, kasi hindi pa tapos ang annulment, hindi pa inaayos. Hayaan na lang natin.”

Muling makakasama ni Eula si Christian Vasquez na sa Princess In The Palace ay siyang naging asawa niya as the former President Leona. 

At dito sa Calle Siete, gumanap pa rin silang mag-asawang OFW na ang kinitang pera ay gusto nilang ipagpatayo ng kanilang dream house. Pero pagdating nila sa bansa, problema ang inabutan nila na maiilit ang bahay ng kanyang Lola Nitz (Gloria Sevilla) kaya ang dream house ay nauwi na lamang sa isang compound na maraming kapitbahay, ang Mabuhay Compound na si Sheila ang magiging bagong landlady.  

Makakasama niya sa compound si Barbie (Ryzza Mae Dizon), ang isang former beauty queen (Patricia Tumulak) at isang kabarkadang laging may ganap na lovelife. 

Kaya apat na bahay, iba-iba rin ang ganap na eksena na magpapasaya sa mga manonood, araw-araw, at 11:30 AM, bago ang Eat Bulaga, mula sa direksyonl ni Monty Parungao. (NORA CALDERON)