PENARANDA, Nueva Ecija - Hindi na nakapalag sa warrant arresting team ng pulisya ang isang 47-anyos na lalaki na matagal nang pinaghahanap makaraang masukol sa pinagtataguan, sa manhunt operation sa Barangay Pambuan, Gapan City.

Sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Mildred Vilaroma-Hernal ng Regional Trial Court Branch 5 sa Gapan City para sa kasong robbery with homicide, inaresto si Roman Reyes y Lalican, alyas “Oman”, na walang inirekomendang piyansa.

Ayon sa record ng Penaranda Police, ikalawa si Reyes sa most wanted ng pulisya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog