TOKYO (AP) — Ginapi ng Canada ang China, 3-2, nitong Lunes para makopo ang huling final Olympic slots para sa men’s volleyball competition sa Rio Games.

Hataw sina Gordon Perrin at Gavin Schmitt sa 27 at 23 puntos, ayon sa pagkakasunod, para gabayan ang Canadian squad sa 25-16, 20-25, 24-26, 25-20, 15-9 panalo sa Tokyo Metropolitan Gymnasium.

Tumapos na ikaapat ang Canada sa qualifying tournament tangan ang 4-3 karta at makalalaro sa Olympics sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang 24 na taon.

Nauna nang nakasiguro ng puwesto sa quadrennial meet ang Poland, Iran, at France.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?