Hinimok kahapon ng isang senador si President-elect Rodrigo Duterte na bigyan ng pagkakataong maglingkod sa kanyang Gabinete si Vice President-elect Leni Robredo.

Sinabi ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara na bagamat kapuri-puri ang listahan ng mga miyembro ng Gabinete ng Davao City mayor, umapela siyang bigyan ng posisyon sa gobyerno si Robredo upang maisakatuparan nito ang sariling adbokasiya.

“I do hope Vice President-elect Leni Robredo is given a position because she is also very capable and she has the necessary experience,” sabi ni Angara.

Agad namang idinagdag ng senador na hindi kailangang madaliin si Duterte sa pagkakaloob ng posisyon sa gobyerno kay Robredo dahil marami pa namang ahensiya ng gobyerno ang walang kalihim.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sinabi pa ni Angara na maaari ring magtatag si Duterte ng espesyal na Cabinet position para sa bise presidente.

Una nang sinabi ni Duterte na hindi siya handang bigyan ng posisyon sa kanyang administrasyon si Robredo.

(Hannah L. Torregoza)