Hunyo 2, 1962 nang manguna sa Billboard hit charts ang single ng soul musician na si Ray Charles na “I Can’t Stop Loving You”. Ang nasabing awitin ay nakapaloob sa kanyang album na, “Modern Sounds in Country and Western Music.”

Noong panahong iyon, ang civil rights movement ay tumutol at nakipaglaban sa United States. Kilala bilang “The Genius,” nagdesisyon si Charles na bumuo ng isang country music album kahit ang genre nito ay para lamang sa white performers.

Noong una, tinutulan ng ABC Records executives ang ideya ni Charles na muling i-record ang ilang awitin at gumawa ng sarili niyang istilo, pinangangambahang baka mawalan siya ng tagahanga.

KILALANIN: Si Royina Garma at ang isyung kinasasangkutan niya hinggil sa war on drugs

Ang album ni Charles, ang biggest-selling album noong 1962, ay nagbibigay inspirasyon sa mga susunod na musical artist.