DETROIT (AP) – Pinayuhan ni Detroit Tigers closer Francisco Rodriguez ang mga atleta na sasabak sa Rio Olympics na maging edukado sa Zika virus upang makaiwas dito.

Kasabay nito, inamin niyang nagkasakit siya dulot ng naturang virus sa kanyang pagbabalik sa Venezuela nitong off-season.

Sinabi ni Rodriguez sa panayam ng ESPN.com nitong Martes (Miyerkules sa Manila), na hindi dapat sisihin ang mga atleta kung magdesisyon ang mga ito na umatras sa Olympics, higit iyong may planong magbuo ng pamilya.

Ang Zika virus ay nagmumula sa lamok, ngunit naipapasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Batay sa pagsusuri, dahilan ang virus sa pagkakaroon ng abnormalidad sa laki ng ulo at utak ng isang sanggol.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ayon kay Rodriguez, dalawang linggo siyang naratay dahil sa pananakit ng ulo, katawan at kasu-kasuan, gayundin ang lagnat matapos dapuan ng naturang karamdaman.

Nauna nang ibinasura ng World Health Organization (WHO) ang petisyon ng may 150 health expert na ikonsidera ang pagpapaliban o paglipat ng bansa ng Olympics bunsod ng banta ng Zika virus.

Marami na ring atleta, kabilang ang mga malalaking pangalan tulad nina Pau Gasol, tennis great Serena Williams at major golf champion Rory McIlroy ang nagpahayag nang pagatras na lumahok sa Rio Games.

“It’s something people have to be careful with and worry about,” sambit ni Rodriguez. “There’s no vaccine for it. It’s not like you take a shot and (improve). ... It could be global.”