ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Sobra kang sensitive today, kaya ilang beses kang masasaktan. Kung angry and impatient, umiwas muna sa ibang tao.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Glue. Ito ang role mo for today para manatiling connected and informed ang mga taong mahalaga sa ‘yo.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Wala ka sa mood today, at kailangan mo ng karagdagang inspiration. Kailangan mo lang ng isang matinong piece of advice.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Personal life ang focus mo today. Huwag dadalhin sa trabaho ang problema sa bahay, remember that.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Gaya ng dati, admiration at authority na naman ang kine-crave mo.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Aktibo today ang iyong emotional bias, at hindi mo magugustuhan ang mga susunod na mangyayari.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Kontrolin mo ang iyong negative thoughts; huwag nang pagtuunan ng pansin ang iyong failures and mistakes.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Aalagwa ang iyong evil side today: narcissism, selfishness at arrogance. Magmukmok ka muna today para ‘di makasakit ng damdamin.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Today is the day to meet your past face-to-face. May dating kaibigan, o kaaway, na mangungumusta sa ‘yo.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Mag-isip ka today ng bagong game plan. Alam mong you have got what it takes to be successful.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Hindi pa possible sa ngayon ang magbago ng directions at gumawa ng bagong strategies. Pirme ka muna.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Favorable ang araw na ito for you to do something unconventional and unorthodox.