Ipinag-utos kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento sa National Police Commission (Napolcom) at Philippine National Police (PNP) ang agarang pagsibak sa pulis na natiklo sa drug raid sa bahay nito sa Maynila.

Ayon sa kalihim, hindi niya kukunsintihin ang mga ilegal na gawain sa mga nalalabi niyang araw sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Kaugnay nito, naglabas siya ng direktiba sa Napolcom at PNP na madaliin ang pagsibak sa serbisyo ni PO2 Jolly Aliangan at magsagawa ng masusing imbestigasyon sa kaso.

Pinuri ni Sarmiento ang National Bureau of Investigation (NBI) sa agarang pag-aresto kay Aliangan at pagtulong sa kampanya ng DILG na hulihin ang mga scalawags at anay sa PNP, lalo na ang mga sangkot sa illegal drug trade sa bansa. - Jun Fabon

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'