Inamin ni MTRCB Chairman Toto Villareal na may mga pagkakataon na inaabuso ng ilan nilang deputized agents ang libreng panonood ng sine.

Kadalasan aniyang nangyayari ay ipinamimigay ng deputy ang tiket na ibinibigay sa kanila para makapasok sa sinehan bukod pa sa palipat-lipat ang mga ito ng sinehan.

Giit ni Villareal kailangan tapusin ng isang deputy agent ang pinanonood na pelikula dahil obligado itong magsumite ng review o report sa kanila.

May mga insidente rin ng pagpapakita ng mga pekeng MTRCB card para makapasok sa mga sinehan.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Kaya’t paalala ni Villareal sa pamunuan ng mga sinehan, isumbong ang pang-aabuso ng kanilang mga deputy agent sa paggamit ng MTRCB ID. (Beth Camia)