TAYSAN, Batangas - Patay ang isang barangay leader habang nasugatan naman ang binatilyo niyang apo matapos silang pagbabarilin sa Taysan, Batangas.

Dead on arrival sa Sto. Rosario Hospital si Papa Hornilla, 64, ng Barangay Pag-asa, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Tinamaan sa hita ang apo ni Hornilla na si Gerald Samonte, 15, na nilalapatan ng lunas sa Batangas Medical Center.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:00 ng hapon noong Mayo 26, sakay sa owner-type jeep (DFC-488) ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng dalawang suspek sa Bgy. Mahanadiong sa Taysan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang at pinaghahanap ang dalawang suspek na inilarawang nakasuot ng PNP athletic shirt. (Lyka Manalo)