STA. ROSA, Nueva Ecija - Isang hindi nakikilalang bangkay ng lalaki, na may saksak sa likod at leeg, ang natagpuang palutang-lutang sa creek malapit sa bukid sa Sitio Pilang, Barangay Inspector sa bayang ito, nitong Martes ng umaga.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng Sta. Rosa Police tungkol sa nagsisimula nang maagnas na bangkay ng lalaki na lumulutang sa creek na natagpuan ng mga batang nanghuhuli ng ibon sa lugar.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa edad 35-40, nakasuot ng short pants, may taas na 5’5”, at may tattoo ng “Superman” sa kanang balikat.

Natagpuan din ang isang singsing at dalawang piraso ng pisong barya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakalagak na ngayon sa Buenaventura Funeral Homes ang bangkay. (Light A. Nolasco)