SAN MANUEL, Pangasinan – Arestado ang isang bading na kawani ng gobyerno sa entrapment operation na ikinasa ng awtoridad at kakasuhan ng child abuse matapos pagbantaan ang isang binatilyo na isasapubliko ang mga hubad na larawan nito kung hindi makikipagkita sa kanya.

Kinilala ni Chief Insp. Christopher Valerio, hepe ng San Manuel Police, ang dinakip na si Michael Sabado, alyas “Clara”, 26, kawani ng gobyerno at residente ng Barangay Guiset Sur sa bayang ito.

Ayon sa pulisya, isinampa na kahapon ang kasong child abuse laban kay Sabado, na naaresto sa entrapment operation nitong Mayo 21 ng gabi sa Juan C. Laya Elementary School sa Bgy. Guiset Sur.

Nauna rito, sinamahan ng kanyang mga magulang ang 16-anyos na biktima, Grade 11 na sa pasukan, at kabarangay ng suspek, sa pulisya upang iulat ang pananakot ni Sabado sa bata, sa pamamagitan ng Facebook chat, na isasapubliko ang mga hubad na litrato nito kung hindi makikipagkita sa kanya. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?