VICTORIA, Tarlac - Naglipana pa rin ang Salisi Gang sa pamilihang bayan ng Victoria sa Tarlac, at isang meat vendor ang natangayan nila ng pera at mga cell phone, na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng mahigit P50,000.

Kinilala ni PO3 Francisco Gamis, Jr. ang biktimang si Fatima Acuña, 55, ng Barangay San Nicolas, Victoria, at may-ari ng Victor Meat Shop sa nasabing palengke.

Ayon sa pulisya, dakong 10:45 ng umaga nitong Sabado nang isang kostumer ang bumili ng karne sa halagang P60, ngunit P40 lang ang ibinayad nito.

Hinabol ni Acuña ang mamimili, na ibinigay naman ang kulang sa ibinayad nito, ngunit pagbalik ng biktima ay nawawala na ang kanyang bag na naglalaman ng dalawang cell phone, na nagkakahalaga ng P35,000; ilang ID; at P17,000 cash.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Naniniwala ang pulisya na maaaring kasabwat ng tumangay ng bag ang kustomer na bumili ng karne na sinadyang paalisin sa puwesto ang biktima upang masalisihan at makuha ang bag nito. - Leandro Alborote