PORTLAND, Oregon (AP) — Natatangi ang nagawa ni Terry Stotts sa batang koponang Portland Trail Blazers sa playoffs.

Bilang pagbibigay-pugay, binigyan si Stotts ng contract extention na tatlong taon upang muling gabayan ang Blazers, ayon sa isang opisyal na may kinalaman sa usapin.

Hindi naging usapin ang kontrata kay Stotts, ngunit suportado ng Blazers ang pananatili niya sa koponan.

“Just a great overall person and a great coach,” pahayag ni Blazers star guard Damian Lillard. “I’m happy to be his point guard, and I think he’s more than deserving of an extension.”

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Nakuha ng Blazers ang 182-146 record sa apat na season mula nang maging coach si Stotts. Nagawang makausad ng Blazers sa playoffs sa nakalipas na tatlong season at nakaabot sa second round sa dalawang pagkakataon.

Tanging si Lillard ang nalalabing beterano sa pagbubukas ng 2014-15 season matapos maglipat bakod sina LaMarcus Aldridge (San Antonio), Nicolas Batum (Charlotte), Robin Lopez (Brooklyn), at Wesley Matthews (Dallas).