Alden Maine prayer copy

NAG-POST si Direk Mike Tuviera sa Twitter ng: “Signing off for now guys. Medyo busy lang po.”

Si Direk Mike ang nagha-handle ng first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza na hanggang ngayon ay walang ibinibigay kahit working title at kung ano ang concept ng movie na sa Italy kinukunan ng APT Entertainment at GMA Films. 

Walang inaaksayang panahon si Direk Mike dahil the next day after nilang dumating sa Milan noong gabi ng May 8, nagsimula agad silang mag-shooting sa Lago de Como.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bago nagsimula, sama-sama muna silang nagdasal for guidance and successful shooting. Na-bless agad sila dahil maya-maya lang ay umulan kaya pansamantalang natigil ang shooting. Rain daw is a blessing. 

Naisulat namin noong isang araw kung paano sila makakapag-shooting nang tuluy-tuloy kung lagging napakarami ng mga tao sa set. Hinahayaan naman lang pala ni Direk Mike ang fans kapag nagsi-set-up sila, kaya puwedeng magpakuha ang mga ito ng picture kina Maine at Alden. 

Nakakatuwa na may fans daw na maka-JaDine na pumunta rin sa shooting at naki-photo op kina Alden at Maine. Ganoon sana ang mga fans, good vibes lang sa sa fans ng ibang artista. 

Nalaman namin na that afternoon, medyo nanibago yata sa maghapong shoot at malamig na weather, naulanan pa, kaya nagka-fever si Maine sa set. Pero game pa rin daw ang dalaga, tuluy-tuloy pa rin ang shooting nila. Bakit naman hindi, kasama niya lagi sa eksena ang kanyang ‘doktor.’

Marami na ang natatanggap naming tanong kung ano ang story ng movie, natatawa kami na gumagawa na sila ng story out of the outfits na suot nina Maine at Alden sa eksena.

Hayaan na muna natin ang production at promise naman nila, isang magandang love story ang mapapanood kina Alden at Maine comes July.

Special gift nina Alden at Maine sa lahat ng kanilang fans ang pelikula nilang ito. (NORA CALDERON)