Nabigo ang tatlong Filipino woodpushers sa kanilang target sa Dubai Blitz Chess Tournament 2016 sa Dubai Chess and Culture Club sa United Arab Emirates.

Tumapos lamang ang 21st seed at International Master na si Haridas Pascua sa ika-25 puwesto tangan ang 7.0 puntos, may 2.5 puntos ang kakulangan sa kampeon na si second seed Peter Gawain Christopher Jones ng England sa 129-player, 11-round meet.

Nagtipon ng pitong panalo bagaman may apat na talo ang 22-anyos na Pangasinense na si Pascua, may ELO rating na 2470. Kailangan niya ang karagdagang puntos para makaabot sa GM title requirement na 2500.

Nalagay naman sa ika-91 na puwesto si 71st seed Jason Orfano sa may 5.0 puntos, habang nasa ika-99 puwesto si 118th seed Danilo Reyes na may 4.0 marker. - Angie Oredo

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!