Nailista ng dating NCAA runner-up Arellano University ang ikalawang sunod na panalo sa Group A matapos pataubin ang reigning UAAP champion Far Eastern University ,92-70 sa pagpapatuloy ng 2016 Fil Oil Flying V Pre Season Premier Cup sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Nanguna sa sorpresang panalo ng Chiefs ang binansagang “ The Bus Driver” na si Jiovanni Jalalon na kumamada ng 22 puntos, limang rebound, tatlong assist at isang steal, habang nagdagdag sina Michael Cañete at Kent Salado ng 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Hindi umabot sa Final Four ng nakaraang NCAA Season 91 basketball tournament ang Chief, ngunit ang kampanya nito sa liga sa kasalukuyan ay tila isang paramdam ng kanilang kahandaan.

Ngunit, sinabi ni coach Jerry Codiñera na malayo pa ang atensiyon nila sa NCAA season.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Marami pang dapat ayusin sa team,” sambit ni Codiñera. - Marivic Awitan