Pinukpok ng bato sa ulo at sinakal ng sinturon ang isang 65-anyos na lalaki matapos niya umanong pagtangkaang gahasain ang isang 19-anyos na kasambahay sa San Dionisio, Iloilo, iniulat ng pulisya kahapon.

Ito ang iginiit ng suspek na kinilalang si “Lovely”, ng Batad, Iloilo, sa pagpatay niya kay Rizalino Asturias, 65, ng Barangay Mandu-awak, San Dionisio.

Ayon kay Senior Insp. Efren Niembra, hepe ng San Dionisio Municipal Police, isinalaysay ng biktima na pauwi na ito nang sundan ni Asturias at sa isang maisan sa Bgy. Madanlog ay tinangka umano itong halayin ng matanda.

Nanlaban ang suspek hanggang makapulot ng bato na ipinukpok sa ulo ng biktima, na sinakal din niya gamit ang isang sinturon hanggang sa tuluyan itong mamatay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Agad namang sumuko sa pulisya ang kasambahay. (Fer Taboy)