Hawak na ng Parañaque City Police ang isang lalaki na number 10 most wanted person sa lungsod dahil sa kasong panggagahasa at sangkot din sa serye ng panghoholdap.

Nakakulong na sa detention cell ng pulisya si Marvin Domondon, 29, miyembro ng Sigue Sigue Sputnik gang, at residente ng Pitonia Extension, Lupang Pangarap, Barangay San Isidro, ng nasabing lungsod.  

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), dakong 4:00 ng hapon nitong Lunes nang nadakip ng awtoridad ang suspek sa Tramo Street sa Bgy. San Dionisio, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 194 Judge Mary Grace Javier Ibay.

Unang nakatanggap ng timbre ang pulisya mula sa concerned citizen na namataan ang suspek sa lugar dahilan upang magkasa ng operasyon ang pulisya, sa pamumuno ni Chief Insp. Michael Chavez.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Batay sa record, nahaharap sa kasong rape si Domondon at dawit din ito sa serye ng robbery hold-up at panloloob ng bahay, partikular sa Bgy. San Dionisio sa lungsod. (Bella Gamotea)