Ginapi ng Batang Blackwater, sa pangunguna ni Mark Alistaire Pastrama na umiskor ng 17 puntos, ang San Miguel Beer, 61-44, sa 2016 Under Armour- Batang PBA 12-under tournament nitong Huwebes, sa Philippine Science High School gym sa Quezon City.

Sa iba pang mga laro, nakakuha ang Barangay Ginebra San Miguel ng 29 na puntos mula kay CJ Malik Due nang pataubin ang NLEX Batang Road Warriors, 61-44, habang pinangunahan naman ni Ian Angelo Olivar ang balanseng opensa ng Phoenix sa kanyang itinalang siyam na puntos para sa 56-33 panalo kontra Mahindra.

Dahil sa panalo, tumabla ang Barangay Ginebra sa pamumuno sa Alaska, taglay ang malinis na 2-0 karta, kasunod ang Blackwater, Rain or Shine at Globalport na may 1-0 baraha.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

May patas namang marka na 1-1 ang Phoenix habang nanatiling winless ang iba pang mga koponang NLEX at San Miguel Beer. (Marivic Awitan)