Karla at mga anak copy

AYON kay Karla Estrada, ang masasabi niyang pinakamalaking blessings na natanggap mula sa Diyos ay ang kanyang mga anak. Siyempre, isa sa kanila si Daniel Padilla.

Ang dasal ng tinaguriang Queen Mother at isa sa mga host ng Magandang Buhay morning talk show ng ABS-CBN para kay Daniel, sana ay manatili itong may mabuting puso.

Dagdag pa ni Karla, na lalong gumanda ang aura nang makausap namin after her guesting sa Tonight With Boy Abunda, lagi niyang ipinaaalala sa mga anak niya na unahin ang Panginoon higit sa lahat.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

“Tayo namang lahat, eh, binigyan niya ng problema. Walang taong walang problema sa buhay. Pero lahat ng dadaan na problema sa atin, eh, isa lang ang higit na makakatulong, siyempre ang nasa Itaas.

“Kaya ‘yun ang lagi kong sinasabi kay DJ, na bago nga ang lahat, eh, Diyos muna ang uunahin niya,” ani Karla.

Hindi ikinaila ni Karla na dumadanas din ng sunud-sunod na problema ang anak niya. At may mga pagkukulang din ang anak niya hindi lang sa kanya kundi maging sa ibang tao.

“He is not perfect din naman, may mga pagkukulang din siyang nagawa pero lamang ang magagandang traits niya bilang tao,” pagmamalaki ni Karla.

“Sana na lang, ipagpatuloy niya ang maganda niyang naumpisahan. Siyempre, ‘yung tumodo ang pagiging maka-Diyos,” sey pa rin ni Ms. Karla Estrada. (Jimi Escala)