NASUGBU, Batangas - Pinaghahanap ng awtoridad ang isang 18-anyos na lalaki na tumakas mula sa kostudiya ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Nasugbu, Batangas.

Kinilala ang suspek na si Jerome Castro, taga-Taguig City. Nitong Abril 19 lamang ipinagdiwang ni Castro ang kanyang kaarawan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 1:45 ng madaling araw noong Abril 23 nang tumakas umano ang suspek mula sa Bahay Aruga temporary shelter na nasa Brias Street sa Barangay 1, Nasugbu.

Enero 10, 2016 pa nasa kostudiya ng MSWDO ang suspek, na naaresto sa illegal possession and use of false treasury/bank notes. (Lyka Manalo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol