GENERAL SANTOS CITY- Inaresto ng pulisya ang isang magsasaka na umamin sa panggagahasa at pagpatay sa isang 12-anyos na babae sa Barangay Bawing sa General Santos City, South Cotabato, nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na si Alvin Asi, 23 anyos.

Inamin ni Asi na nasa impluwensiya siya ng solvent nang gawin ang krimen.

Sinabi ni Asi na nakasinghot siya at ang kasabwat niyang kinilala lang sa pangalang Jeric ng solvent at nang bangag na sila ay hinalay nila ang bata sa bahay nito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naiwang mag-isa sa bahay ang biktima dahil nasa bukid ang mga magulang nito.

Ayon kay Asi, sinakal nila ang biktima hanggang sa mamatay ito.

Naglunsad na ng manhunt ang pulisya laban sa isa pang suspek. (JOSEPH JUBELAG)