TARLAC CITY - Nasayaran na naman ng sariwang dugo ang Romulo Boulevard sa Barangay San Vicente, Tarlac City matapos magkarambola ang dalawang tricycle at isang motorsiklo na ikinamatay ng isang at grabeng ikinasugat ng pitong iba pa.

Ayon sa report ng pulisya, ang nasawi ay isang Arnold, 48, sakay sa tricycle (CI-7651) na minamaneho ni Jovan Castro, 26, may asawa, ng Bgy. Balibago Segundo, Tarlac City.

Nasugatan naman sina Mark Jefferson Castro, 30, driver ng tricycle (YP-6141), ng Bgy. San Vicente; Aldwin Castro, 18, driver ng Racal motorcycle; John Lester Seccion, 17, ng Bgy. San Luis; Armin Joy Castro, 21, ng nasabing lugar; Marco Castro, 10; at Nida Castro, 49, ng Bgy. Balibago Segundo, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog