BAGUIO CITY – Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DoH)-Cordillera na hindi lang tuwing tag-ulan dapat bantayan ang pag-atake ng nakakamatay na dengue, kundi maging ngayong tag-init.

Iniuugnay sa climate change ang pagdami ng kaso ng dengue sa tag-init, dahil noon ay tuwing tag-ulan lang dumadami ang lamok na nagdadala ng dengue, dahil maraming pinangingitlugan ang mga ito.

Sa buong Cordillera, mula Enero hanggang Abril ngayong taon, ay umabot na sa 1,060 ang na-dengue, mas mataas kumpara sa 400 naitala noong 2015 sa magkaparehong panahon.

Apat na biktima ng dengue ang namatay. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito