Inaprubahan na ng National Police Commission (Napolcom) ang special promotion sa dalawang tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Nilagdaan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen S. Sarmiento, na siya ring Napolcom chairman, ang Resolution No. 2016-165 na nagkakaloob ng posthumous promotion kay PO1 Rodelin A. Gonzaga, at sa Resolution No. 2016-186 para sa special promotion ni Christian O. Santos.

Si Gonzaga ay na-promote sa ranggong Police Officer 2 bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan nang ialay ang kanyang buhay sa pagsagip sa mga residente na na-stranded sa baha sa Bayawan City, Negros Oriental, noong Oktubre 6, 2013.

Sa kanyang ikatlong pagtawid sa baha, nabitawan ni Gonzaga ang lubid na kanyang kinakapitan kaya nalunod siya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kinabukasan na natagpuan ang kanyang bangkay sa Sta. Catalina.

Samantala, pinarangalan si Santos sa kanyang katapangan nang mapatay niya ang isa sa dalawang armadong holdaper ng isang pampasaherong bus sa EDSA-Kilyawan, Barangay Pagasa, Quezon City noong Pebrero 2, 2014. (Czarina Nicole O. Ong)