Isang dating konsehal ang nadakip ng pulisya makaraang makumpiskahan ng baril at ilegal na droga sa pagsalakay sa Laoag City, Ilocos Norte, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Edwin Balles, OIC ng Laoag City Police Office (LCPO), ang suspek ay kinilalang si Nathaniel Ruben Taylan II, dating konsehal ng Dingras, Ilocos Norte.

Sangkot din si Taylan sa kaso ng pagpatay sa nasabing bayan.

Sa bisa ng arrest warrant, sinalakay ang bahay ng biyenan ng suspek at nakumpiska sa loob nito ang isang .9mm Taurus na silver, ilang magazine na puno ng bala, ilang sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia, bukod pa sa nakuhang .9mm na baril.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ipinagharap na ang suspek ng kasong paglabag sa Commission on Election (Comelec) gun ban, at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). (Fer Taboy)