GAPAN CITY, Nueva Ecija – Patuloy na inalaam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nanloob at pumatay sa isang mag-asawang negosyante at kanilang empleyado sa Barangay San Nicolas ng lungsod na ito, noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni P. Supt. Nelson Aganon, hepe ng Gapan City Police ang mga biktima na si Rosendo Matias , 77, at asawang si Erlinda, 70, retiradong guro, at Jennifer Dela Cruz, clerk/helper, residente ng Puork 3, Sojo, Bgy. Mangino ng lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, malayo sa kabayanan at nasa gitna ng bukirin nakatirik ang bahay ng mag-asawang Matias.

Pagnanakaw ang tinutumbok na motibo ng pulisya dahil tinangay ng mga suspek ang P700,000 cash mula sa pinuwersang vault cabinet.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Natagpuan ang bangkay ni Rosendo dakong 7:00 ng umaga malapit sa nakaparadang Elf truck sa garahe habang sina Erlinda at Jennifer ay nakahandusay sa sala ng bahay. Limang basyo ng cal. 9mm pistol ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen. (Light A. Nolasco)