zanjoe at bea copy

MARIING pinabulaanan ng taong malapit kina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo ang tsika na nagkabalikan na ang dalawa.

Nagsimula ang espekulasyon na back into each other’s arms sila dahil sa nakikitang posts na litrato sa social media na magkasama ang ex-couple.

Magkatabi o magkaharap sina Zanjoe at Bea sa photos at ang obserbasyon ng mga nakakasama nila ay okay ang dalawa, nag-uusap at nagbibiruan pa.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya naghinala ang lahat na reunited na ang dalawa. Pero itinanggi ito ng source namin.

“Magkaibigan po kasi sila, hindi naman sila magkaaway na naghiwalay, they’re really good friends ever since bago rin sila naging mag-boyfriend/girlfriend. Kaya hindi nawala ‘yung magandang samahan nila. Ang nawala lang ay ‘yung pagiging magdyowa nila,” kuwento sa amin.

May ginagawa bang move si Zanjoe para balikan si Bea?

“No idea po, hindi kami nagtatanong at hindi rin naman nagkukuwento,” mabilis na sagot sa amin.

Hayan, klaro, hindi nagkabalikan sina Zanjoe at Bea.

In fairness, Bossing DMB, sana lahat ng ex-lovers at katulad nina Luis Manzano at Angel Locsin at heto, sina Zanjoe at Bea, ay maganda ang paghihiwalay at in speaking terms or civil sa isa’t isa.

Mukhang hindi na uso ang ex-lovers na nag-iisnaban o nag-iiwasan kapag nagkikita. Hmm, sinu-sino ba ang mga ex-couples na hindi pa rin okay? (Reggee Bonoan)