BAGAMAT tapos na ang kanilang top-rating primetime series na Pangako Sa ‘Yo sa ABS-CBN, parang hindi naman masyadong nami-miss ng ‘di mabilang na fans sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Paano naman, kahit hindi napapanood ang Teen Queen and King ng fans sa telebisyon ay very visible ang dalawa sa live at in person performances dahil aktibung-aktibo sila na Daniel at Kathryn sa paglilibot sa iba’t ibang panig ng bansa sa kanilang solid na suporta kay Mar Roxas, ang pambato ng Liberal Party sa pagkapresidente.
Ito ang isa sa mga pinagkakaabalahan nina Daniel at Kathryn bukod sa newest movie na kanilang ginagawa sa Star Cinema.
Hindi na makukuwestiyon ang kasikatan at kainitan nila dahil talagang nagkakagulo ang mga tao saan man sila magpunta. Bibihira nga namang makasalamuha ng fans sina Daniel at Kathryn, lalo na ang mga tagahanga nila sa malalayong probinsiya.
Manghang-mangha ang mga kababayan natin sa kaguwapuhan ni Daniel at kagandahan ni Kathryn at halos lahat ay kinikilig sa pagiging sweet nila sa isa’t isa.
Ngayon pa lang ay lalong nai-excite ang fans sa upcoming projects nila. Hindi pa malinaw kung ano ang kuwento ng bago nilang pelikula, pero tiyak na papatok uli ito sa masa. (CHUCK GOMEZ)