Mahigit na 44 na milyong balota na gagamitin sa lokal at pambansang halalan sa Mayo 9 ang natapos nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang iniulat ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon kahapon, halos isang buwan bago ang itinakdang deadline ng Comelec para sa ballot printing.

Ayon kay Guanzon, umaabot na sa 44,506,598 balota ang natapos iimprenta ng National Printing Office at 30,052,456 ang na-verify o nakumpirmang tatanggapin ng vote counting machine.

Kailangang makapag-imprenta ng Comelec ng halos 57 milyong balota para sa eleksiyon at target nilang matapos ito sa Abril 25. (Mary Ann Santiago)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador