Manguna sa labanan para sa 2016 Cocker of the Year ang layunin ng mga kalahok sa pagratsada ngayon araw sa Pasay City Cockpit ng 8th Leg 6-Cock Derby ng 2016 UFCC Cock Circuit.

Magsisimula ang laban sa tampok na 86 sultada ganap na 1:00 ng hapon.

Inaasahan ang patuloy na pamamayani ng naghaharing World Slasher Cup champion na si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Gamefarm) ay patuloy na may 29 na puntos sa ngayon kasunod si Joey delos Santos (San Roque) na may 28 puntos.

Nasa ikatlong pwesto naman si Arman Santos (Jade Red) na may 24.5, kasunod si 2015 World Slasher Cup winner Gerry Ramos (AAO Striker) na may 24 na puntos at Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville) 23 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Paborito rin ang mga naghati sa kampeonato noong nakaraang Lunes sa 7th Leg na sina Fiscal Villanue/Eboy Villanueva (Fiscalizer), Gerry Ramos (AAO Hitcock) at Dorie Du (Davao Matina).

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Sagupaan, Solaire Resorts & Casino at Resorts World - Manila.