pacman copy

LOS ANGELES, CA – Malayo pa ang laban, ngunit handa na ang katawan at isipan ni Filipino boxing great Manny Pacquiao, ayon kay trainer Freddie Roach.

Batay sa assessment ni Roach, inabot na ng Sarangani Congressman ang kondisyon na kanyang hinahangad, may 14 na araw pa bago ang duwelo kay American fighter Timothy Bradley sa Abril 9, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Bago ang pahayag ni Roach, nagbigay na rin ng kanilang pagtataya sa katayuan ng pagsasanay ni Pacman ang mga assistant na sina Buboy Fernandez at Nonoy Neri.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Yeah, they’re right,” pahayag ni Roach, patungkol sa naging pahayag ng dalawang Pinoy assistant trainer.

“I’m happy to announce to those who are interested to know that we’re about to end one of the best camps we had so far.”

“Manny’s already in peak and he’s ready to mix it up this early,” pahayag ni Roach.

Matapos ang ‘light workout’ sa Griffith Park, sumabak ang eight-division world champion sa tig-limang round na sparring kina Canadian Ghislain Maduma at American Lydell Rhodes sa Wild Card Gym.

Bago ang session, sumailalim ang “Fighter of the Decade” sa random blood test, ikalawa sa loob ng dalawang linggo, sa pangangasiwa ng Voluntary Anti Doping Agency (VADA).

“Credit should go to Manny for the cooperation he extended the training staff from the time they pitched camp in General Santos City a little less than five weeks ago until moving here in L.A.,” pahayag ni Roach.

Ayon kay Roach, ang kasipagan sa ensayo at focus ni Pacquiao ang nagpadali ng kanilang trabaho bago ang kanilang biyahe patungong Las Vegas sa Abril 4.

“Easy,” sambit ni Roach, patungkol sa programang isinagawa nila para sa ikatlong laban ni Pacman kay Bradley.

Tabla ang head-to-head duel nina Bradley at Pacman nang magwagi ang People’s champion noong 2014. Nagwagi naman ang American via split decision sa unang pagtutuos noong 2012.

Sa kabila ng maagang kahandaan, kinatigan ni Roach ang pahayag nina Fernandez at Neri na malayong ma-burnt out ang kanyang pamosong fighter. (Eddie Alinea)