BANGKOK -- Sibak na para sa final four, tatangkain ng Petron-Philippine Superliga (PSL) All-Stars na makasungkit ng panalo sa pakikipagtuos sa 3BB Nakhononnt sa Thai-Denmark Super League sa MCC Hall ng The Mall Bangkapi dito.

Matapos makapagpahinga nitong Biyernes, umaasa ang Pinay belles na uuwi silang hindi bokya sa elimination round ng Group A.

Natamo ng PSL All-Star ang magkasunod na kabiguan kontra sa Bangkok Glass, 25-23, 11-25, 16-25, 9-5, nitong Miyerkules, kasunod ang laro laban sa Idea Khonkaen, 22-25, 20-25, 19-25.

Inaasahang magbibigay ng lakas sa Pinay squad sina Rachel Anne Daquis, Cha Cruz, Aby Marano, Maika Ortiz, Aiza Maizo-Pontillas, at libero Jen Reyes.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kapwa umusad sa semi-final round ang Bangkok Glass at Idea Khonkaen, gayundin ang Pool B leader Supreme Chonburi at Nakhon Ratchasima.