Nagtala ng tig-14 puntos sina Jhoanna Maraguinot at reigning back-to-back MVP Alyssa Valdez upang pangunahan ang defending women’s champion Ateneo sa paggapi sa University of Santo Tomas, 25-20, 25-18, 25-18, at makamit ang unang Final Four berth sa ikapitong sunod na taon ng UAAP volleyball nitong Sabado, sa Philsports Arena sa Pasig City.

“For the past two years under coach Tai (Bundit), gitna talaga si Kiwi (Ahomiro). Okay naman. She stepped up,” pahayag ni  Valdez. “Everyone also stepped up. Yan ang gusto ni coach eh. We play as a team and we play happy.”

Nag-step-up naman para punan ang naiwang puwang ng na-injured na si Maddie Madayag si Amy Ahomiro at Bea de leon para tulungan sina Valdez at Maraguinot sa pagdepensa kontra Tigresses upang makopo ang kanilang ikasiyam na panalo sa 11 laro.

Nanguna naman si Cherry Rondina para sa UST sa naitalang 11 puntos habang nag-ambag si  EJ Laure ng siyam na puntos at siyam na dig.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Habang hindi halos naramdaman ang mga beteranang sina Carmela Tunay at Jeesey de Leon dahilan para hindi na sila palaruin ni coach Kungfu Reyes sa third set.

Sa men’s division, diniskaril ng University of Santo Tomas ang tangkang paglapit ng Adamson sa ikalawang Final Four berth matapos maitarak ang 25-21, 17-25, 20-25, 25-23, 15-12 panalo.

Ang kabiguan ang ikatlo ng Falcons sa 11 laro, habang umangat naman ang Tigers sa barahang 4-7, kasalo ng La Salle Green Spikers sa ikaanim na puwesto sa overall standing.

Nakamit ng Tamaraws ang ikaanim na panalo matapos gapiin ang University of the East Red Warriors, 25-20, 25-27, 25-23, 25-13.

Nanatili namang walang panalo ang UE matapos ang 11 laro.

Sa isa pang laban, lumakas ang tyansa ng last year’s losing finalist National University na makahabol sa No.2 spot na may kaakibat na twice-to-beat advantage papasok ng semis matapos nitong walisin ang UP Fighting Maroons, 25-17, 25-19, 25-17.

Umakyat ang Bulldogs sa barahang 7-4, isang laro ang pagkakaiwan sa pumapangalawang Falcons. - Marivic Awitan