Laro ngayon

(Panabo City)

5 n.h. -- Ginebra vs Phoenix

Tatangkain ng crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel na mabigyan ng kasiyahan ang laksang tagasuporta sa pakikipagtuos sa Phoenix Petroleum sa ‘out-of-town’ game ng OPPO-PBA Commissioner’s Cup ngayon, sa Panabo City sa Davao del Norte.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gaganapin ang pinakahihintay na duwelo sa Panabo Multi-Purpose Cultural Tourism and Sports Center ganap na 5:00 ng hapon.

Galing ang Kings sa 89-79 panalo kontra Blackwater kaya’t kumpiyansa si coach Tim Cone na magiging madali para sa kanyang bataan ang Fuel Masters.

“Wins are important, but preparations and learning that goes along with that is most important. We are a defensive team and we have to take pride in that,” pahayag ni Cone.

Sa panig naman ng kanilang katunggali, magsisikap ang Fuel Masters na makabalik sa winning track upang makaahon mula sa kinalalagyang puwesto gahibla lamang ang layo sa kulelat na Globalport.

Huling natalo ang Phoenix sa kamay ng Star Hotshots, 75-91, noong Marso 12 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

(Marivic Awitan)