Nakasamsam ng shabu na nagkakahalaga ng P2.2 milyon ang pulisya makaraang salakayin ang isang tindahan sa Butuan City, Agusan del Norte, sinabi ng pulisya kahapon.

Kinilala ng Butuan City Police Office (BCPO) ang suspek na si Bai Lawan Rascal, na nasakote sa pagalakay sa Barangay Ong Yiu,Butuan City.

Nakasamsam ng pulisya ang 200 gramo ng shabu mula kay Rascal.

Sinabi ni Senior Supt. Francisco Dungo, hepe ng BCPO, na nakuha rin nila mula sa suspek ang isang cellophane at P11,000 cash na ipinapalagay na pinagbentahan ng shabu. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito