Ginawaran si Atty. Armi Beatriz Bayot, miyembro ng legal team ng Government of the Philippines (GPH) negotiating panel sa peace talks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), ng Georg Schwarzenberger Prize in International Law 2016 ng University of London para sa mahusay nitong trabaho sa larangan ng Public International Law.

Ang Georg Schwarzenberger Prize ay itinatag ng Institute of Advanced Legal Studies sa University of London bilang alaala sa dati nitong Emeritus Professor of International Law.

Dumaan si Bayot sa masusing screening process para sa award, na ang bawat isa sa anim na faculty of law ng institute ay nag-nominate ng kandidato.

“It really means a lot to me to be able to represent our country abroad as a graduate student, as well as by winning this award,” komento ni Bayot. (PNA)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador