Inspirasyon at pagiging mabuting role model sa kabataan ang dalawang mahalagang papel ng mga alumni-athletes.

Ito ang pinagdiinan ni Department of Education Assistant Secretary Tonisito Umali sa kanyang pagdalo sa kauna-unang Eulogio Rodriguez Jr. High School (ERJHS) Alumni Sports Club Hall of Fame 2016 at Scouting Awards sa ERJHS ground sa Mayon Ave. kamakailan.

Nagbigay-pugay si Umali sa 11 Hall of Fame awardees, sa pangunguna nina 1972 Sapporo Winter Olympics delegate Mar de Guzman ng Batch 72 at basketball star Leo Avenido ng Batch 95.

“Gaya ng ating mga awardees ngayong gabi, ang mga student-athletes ang magdadala ng bandila ng ating bansa sa mga international competitions,” pahayag ni Umali.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naging panauhing din sina dating Quezon City Cong. Bingbong Crisologo at ang anak nitong konsehal na si Anthony Peter “Onyx” Crisologo, BH Partylist Rep. Bernadette Herrera, at Beth Delarmente.

Sina Umali at Crisologo rin ang nag-induct sa mga ASC officers, sa pangunguna ni People’s Tonight sports editor Ed Andaya ng Batch 81 at Zeny Castor ng Batch 70.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Barangay Siena chairwoman Apple Castor, Barangay N. S.Amoranto chairman Von Yalong, Batch 65 valedictorian Linda Espinosa-Dizon, ERJHS alumni president Jose Castro ng Batch 66 at Philippine Navy Capt. Albert Mogol ng Batch 78.

Si De Guzman ay pinarangalan bilang isa sa tatlong student representative sa International Youth Sports Assembly na bahagi ng 11th Winter Olympics sa Sapporo, Japan nung 1972.

Si Avenido ay kinilala sa kanyang pagĺalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang miyembro ng Coca-Cola, Talk ‘N Text, Air21, Barako Bull, Alaska at Kia Motors.

Ang iba pang mga awardee ay sina Ramon Sabalboro ng Batch 76 (darts), Manny Septimo ng Batch 78 (track and field), Ed Navarro ng Batch 78 (kendo), Angelo Young ng Batch 80 (chess), Roland Doncillo ng Batch 81 (shooting), Joseph Realista ng Batch 85 (basketball), Roberto Ferrera ng Batch 86 (bowling), Belinda Baluyut ng Batch 88 (badminton), at Junn Abriza ng Batch 91 (taekwondo).

Kinilala rin ang ERJHS 1979 volleyball team nina coach Dulce Pante, sa pagwawagi nito sa 1979 Far East Asia volleyball championship; at Batch 85 Sports Club ni Josephine Aldana-Aljahmani, bunsod ng naging papel nila sa alumni sports.