Simpleng ngiti para mawala ang tensiyon.

Ito ang dahilan, ayon kay volleyball star Alyssa Valdez , upang maibalik ng Lady Eagles ang porma at focus na siyang nagbigay sa kanila ng panibagong panalo nang gapiin ang National University Lady Bulldogs, 26-24, 25-17, 25-19, nitong Miyerkules sa MOA Arena sa Pasay City.

Galing ang Lady Warriors sa magkasunod na kabiguan kontra La Salle Lady Archers at University of the Philippines Lady Maroons.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“You can’t have the strongest heart if you don’t play happy,” pahayag ni Valdez. “We really need to be happy inside the court and naturally lalabas yung strongest heart namin.”

“Wala kaming special na ginawa [para sa panalo] aside from smiling, that’s the most special thing, consistent smiling,” ayon sa back-to-back league MVP.

Inamin din ni Valdez , kumana ng 20-puntos, na nawala ang kanilang paghahangad na manalo, gayundin ang kasiyahan sa kanilang paglalaro.

“Nagkulang kami skills-wise, teamwork, and consistency, and at the end of the day the team that will win is the team na gustong manalo.Kulang kami ng ganun at being happy inside the court,”pag-amin ni Valdez. (Marivic Awitan)