SEOUL (AFP) – Sinabi ni North Korean leader Kim Jong-Un na nagtagumpay ang kanyang mga scientist na paliitin ang thermo-nuclear warhead upang palitan ang ballistic missile at makalikha ng “true” deterrent, sinabi ng state media nitong Miyerkules.
Dati nang ipinagmalaki ng Pyongyang ang pagma-master sa miniaturization, ngunit ito ang unang pagkakataon na malinaw na inamin ni Kim ang breakthrough na ayon sa mga eksperto ay game-changing step sa nuclear capabilities ng North.
“The nuclear warheads have been standardised to be fit for ballistic missiles by miniaturising them,” pahayag ni Kim sa kanyang pagbisita kasama ang nuclear technicians, iniulat ng official KCNA news agency ng North. “This can be called a true nuclear deterrent.”