STO. TOMAS, Batangas – Kapwa nasawi ang isang magkapatid na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa kanilang meat shop sa Sto. Tomas, Batangas.

Unang pinuntirya ng gunman si Zosimo Maloles, 49, at isinunod ang kapatid nitong si Edgardo Maloles, 52 anyos.

Ayon sa report ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 5:45 ng umaga at naghahanda ng mga paninda ang magkapatid nang dumating ang suspek at nagpanggap na bibili, sa Barangay 4.

Tinamaan ng ligaw na bala ang kostumer na si Dennis Llamafo, 38, na bumibili sa katabing meat shop.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Sumakay umano ang suspek sa naghihintay na asul na motorsiklo (1566-RE), na kalaunan ay narekober ng awtoridad.

Inaalam pa kung may kaugnayan sa negosyo ang pamamaslang. (Lyka Manalo)